Unang Digmaang Pandaigdig:
Pakanan mula itaas: isang lugar sa Larangang Kanluran; mga tangkeng Mark V ng Imperyong Briton; barkong pandigmang HMS Irresistible na lumulubog matapos makabangga ng mina sa Labanan ng Dardanelles; mga tripulante ng isang masinggang Vickers suot ang kani-kanilang maskarang pang-gas, at mga eroplanong Albatros D.III ng Imperyong Aleman
3-5:
Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng isang makabayang Serbiyo na nagngangalang Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing na siyang pinakasanhi ng pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong ika-27 ng Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang nabanggit, kasáma na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibáka sa isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo.
6-7:
Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng Austriya-Unggarya ang Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong Aleman sa Belhika, Luksemburgo at hilagang Pransiya, at ng bigong pananalakay ng Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang mapipilan ng sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang Aleman patungong Paris ay nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang mga sagupaan doon na siya naman nagdulot upang halos hindi na umusad ang magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon ay nakisangkot na rin sa digmaan ang Imperyong Otomano, Italya, Bulgarya, Rumanya, Gresya at iba pa samantalang bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos ang Himagsikang Ruso noong 1917 na nagbigay daan upang kumawala ang mga Ruso sa digmaan at maglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang mga Aleman sa kanlurang Europa hanggang sa pumasok ang Estados Unidos sa digmaan. Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang 11 Nobyembre 1918 matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong Puwersa.
8.:
Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa Europa mula sa labi ng mga Imperyong Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso. Itinatag noon ang Liga ng mga Nasyon upang pigilan ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang mga kasunduang itinadhana ng Kasunduan ng Versailles na nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga mamamayang Aleman at ang pag-usbong ng pasismo sa Europa ang ilan sa mga dahilan upang muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.
Explanation:
Hahatiin mo yung sagot ko,marami pang kaalaman hanggan 10 pataas ang pagdidigmaan
#paki follow ako
#ipupuso yung sagot
#palaging mag-iingat️