English
English, 31.03.2021 14:00, schoolgirl61

Patulong po please..filipino po ito TALINGHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBASAN

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang maaga upang humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta
niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, "Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan at bibigyan ko kayo ng karampatang upa." At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatio ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima ng hapon, siya'y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, "Bakit tatayo-tayo kayo rito sa buong maghapon?" Kasi po'y walang magbigay sa amin ng trabaho, sagot nila. Kaya't sinabi niya, "Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan. Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala. "Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho." Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isay binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, "Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?" Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, "Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo." Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo bay naiinggit dahil ako'y nagmagandang-loob sa iba?"

1. Binanggit sa parabula ang ubasan, manggagawa, upa na salaping pilak, oras (ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo, ikalima) upang maipahayag ang paghahambing/ipinahihiwatig. Sa iyong palagay, ano ang nais ipahiwatig ng bawat isa? Bakit?

2. Para sa iyo, ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sadalawang uri ng manggagawa sa ubasan? Pangatwiranan.

3. Kung isa ka sa manggagawang maghapon nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho rin ng isang oras lamang nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit?

4. Kung isa ka naman sa mga manggagawa na tumanggap ng parehong upa kahit kulang ang oras mo sa paggawa, ano ang mararamdaman mo? Tatanggapin mo ba ang ibinigay sa iyong upa? Bakit?

5. Anong uri ng teksto ang binasang akda? Ipaliwanag.​

answer
Answers: 2

Other questions on the subject: English

image
English, 21.06.2019 22:00, coxtinam16
Which statement best explains how the setting affects the meaning of the story? a. the water and wave motif conveys the queasy feeling the narrator has when walking alone at night. b. the firefly light conveys a feeling of nostalgia for long summer evenings spent with family. c. the phrase whispering and murmurs" suggests that the main character has fits of madness. d. the comparison of the street to a graveyard suggests that something is terribly wrong with society.
Answers: 3
image
English, 22.06.2019 04:00, scavalieri3746
Lisa works 7 hours a day, 7 days a week. how many hours does lisa work in 6 weeks
Answers: 2
image
English, 22.06.2019 08:40, tyrasimpson4787
New question get 25 points for free
Answers: 1
image
English, 22.06.2019 15:30, keananashville
In this passage the character of ethan frome is revealed to be
Answers: 2
Do you know the correct answer?
Patulong po please..filipino po ito TALINGHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBASAN

Ang kaharia...

Questions in other subjects:

Konu
Mathematics, 24.11.2020 06:00
Konu
Arts, 24.11.2020 06:00
Konu
Social Studies, 24.11.2020 06:00
Konu
Mathematics, 24.11.2020 06:00