Chemistry
Chemistry, 27.09.2021 17:10, bettybales1986

“NANG MINSANG NALIGAW SI ADRIAN” (Batay sa text message ni Dr. Romulo N. Peralta) Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor. Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda. Malimit siyang mapag-isa sa tuwing mabibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama.
Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli- hulihang yugto ng kaniyang buhay. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila na ang lahat ng luho at oras na makahanap ng babaeng makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.

Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang limang oras na operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang kanyang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti- unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.” Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin ito ni Adrian. “Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?” tanong ni Adrian. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.” Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
Mga Tanong:
1. Ano ang paksa o diwa ng akda?
2. Isa-isahin ang mga tauhan ng akda at ibigay ang karakter na kanilang ginampanan batay sa pagkalarawan sa kanila ng may- akda.

3. Paano inihahanay ang mga pangyayari sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian,”
Patumbalik ba o Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, bakit.?



4. Sa anong estilo ng pagkasulat ang kwentong isinasaad ng “Minsan Nang Naligaw si Adrian?” Ipaliwanag.

answer
Answers: 1

Other questions on the subject: Chemistry

image
Chemistry, 21.06.2019 14:00, eddsworldfrantic
3. if the dartboard below is used to model an atom, which subatomic particles would be located at z?
Answers: 2
image
Chemistry, 22.06.2019 06:30, aide12345
Design techniques and materials that reduce the negative environmental impact of a structure are referred to as
Answers: 2
image
Chemistry, 22.06.2019 07:00, maryjane8872
Which set of characteristics best describes igneous rock? a) largest type of rock, made of organic matter, hardest type of rock b) least abundant type of rock, made of other rocks, made mostly of minerals c) found on all continents, contains wavy bands of stripes, contains fossils d) most abundant type in earth's crust, made of magma/lava, contains no fossils
Answers: 1
image
Chemistry, 22.06.2019 12:30, quantamagic
Word equation for k(s)+h2o(l) yield koh(aq) + h2(g)
Answers: 1
Do you know the correct answer?
“NANG MINSANG NALIGAW SI ADRIAN” (Batay sa text message ni Dr. Romulo N. Peralta) Bunsong anak si...

Questions in other subjects:

Konu
English, 04.06.2021 02:10
Konu
Mathematics, 04.06.2021 02:10