Business
Business, 07.03.2021 17:30, shelbyetheridge1011s

Bigyan ng sariling wakas ang kwentong ito Pag-ibig ko’y Hanggang Langit

Isinulat ni MJ

Maraming sikreto ang hindi natin kayang sabihin sa iba. Ito ang sikreto na kailangan nating itago upang mapangalagaan ang ating mga mahal sa buhay. Sisimulan ko ang sikreto na hindi ko kayang sabihin sa iba, ngunit kaya kong isulat nang buo.

Sa panahon na kasama ko siya. Isang sikreto ang aming itinago. Siya ang lalaki na pinapangarap din ng iba. Pangarap na akala nila ay nasa akin na. Si Jun ang asawa ko na sobrang sipag, mapagmahal at talagang maaasahan. May isa kaming anak na pinangalanan naming Haru na ang ibig sabihin ay panahon, gusto kasi naming mag-asawa ang panahon ng ipanganak ko si Haru. Masasabi ko rin bilang isang ina sa aking mag-ama ay nagagawa ko naman ang lahat para sa kanila. Ang buhay naming mag-asawa ay parang napapanood lang sa isang pelikula. Minsan ay masaya kung minsan naman ay malungkot. Bagay na normal talaga sa isang pamilya. Ngunit ang masayang pagsasama namin ay napalitan ng takot. Bago kasi kami mag-isang taon sa pagsasama ni Jun ay nadisgrasya siya at binawian ng buhay. Pangyayari sa aking buhay na hindi ko kayang tanggapin. Simula kasi hayskul si Jun lang ang naging sandigan ko dahil wala na akong pamilya. Kinupkop ako ng pamilya nila kaya siguro dito ko masasabi na nagsimula ang aming pagtitinginan. Nakatapos si Jun ng kolehiyo, samantalang ako ay hindi dahil nabuntis ako. Sinabi na lang ni Jun na sa bahay na lang muna ako siya na ang gagawa ng paraan para maitaguyod ang aming pamilya. Nang isilang ko si Haru mas lalong tumibay ang aming pagmamahalan na kahit ano pang bagyo ang dumating sa amin ay hindi kami mapaghihiwalay pa.

Tuwing Sabado at Linggo lagi kaming dinadala ni Jun sa lugar na iyon. Lugar kung saan kami sabay- sabay kumakain at mapapansin mo sa lugar ang malaking puno na hitik sa mga bulaklak na sobrang ganda. Maraming tao rin ang pumupunta sa lugar, pero napili namin ang dalawang araw na iyon upang makapagpahinga si Jun sa limang araw na pagtatrabaho nito. Akala ko ang dalawang araw na ito ay hindi ko na muling mararanasan pa dahil nawala na si Jun. Pero dumating ang araw na muli siyang bumalik sa aming piling. Si Jun ay hindi kami iniwan. Nakita ko siyang nakatayo sa lugar na lagi naming pinupuntahan ng dalawang araw. Nakatayo siya sa ilalim ng punong iyon. Nakangiti na tila walang nangyari sa kanya. Si Jun ay muling pumasok sa aming tahanan na sikretong hindi puwedeng malaman ng iba. Nakikita at nararamdaman namin siya ni Haru. Siya ay malayang nakakagawa ng mga gawain niya noon maliban lang sa pagpasok sa trabaho. Kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para makapaghanap ng trabaho, upang matustusan ang pangangailangan naming mag-ina. Sobrang saya ko, dahil alam ko na lagi ko paring kasama ang aking asawa. Sa kabilang banda, takot parin ang nangunguna. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan lang ipapahiram sa amin si Jun.

Isang umaga, gusto ni Jun na ipagluto si Haru nang paborito nitong almusal. Pangyayari na hindi ko rin kayang makita. Umiyak si Jun sa aking harap. Alam niya na buhay siya pero hindi kayang ipakita ang ibang bagay gamit ito. Gusto ko siyang yakapin. Pero hindi ito mangyayari kaya niyakap ko na lang si Haru ng oras na iyon. Tumulo rin ang aking luha. Hindi ko napigilan na ipakita sa kanya ang lungkot na nararamdaman ko. Tiningnan niya kaming mag-ina na may luha sa kanyang mga mata. At sinabi na “gusto kong bumalik sa punong iyon”. Lunes ng araw na iyon kaya nagulat ako na nagyaya siya na pumunta sa lugar na iyon. Nagbike kami papunta sa lugar na iyon na gusto ko muling gawin kasama siya. Napansin ko sa kanyang mukha ang kalungkutan pero pinipilit niyang tumawa at ngumiti sa harapan ng aming anak. Masakit ang pangyayaring iyon para sa aming pamilya, pero ang masasabi ko lang ay salamat dahil binigyan pa kami ng pagkakataon muli na magsama-sama at alam ko na hindi nagbago ang pagmamahalan naming dalawa ni Jun sa isa’t-isa.

Pagkarating namin sa lugar na iyon walang katao-tao sa paligid. Naglakad siyang direstyo sa puno. Sinundan namin siya ni Haru, ngunit pinahinto niya kami sa paglalakad. Tumayo si Jun malapit sa puno kung saan madalas kaming kumakain ng sabay-sabay. Tumulo muli ang luha ng asawa ko na parang may pinapahiwatig. At malakas na isinigaw ang mga salitang “Pag-ibig ko sayo Steph ay hanggang langit. Lagi mong tatandaan na nasa tabi nyo lang ako ni Haru at babantayan ko kayong dalawa palagi.” Pagkasabi ni Jun ng mga katagang iyon ay naglaho na ang aking asawa. Wala na si Jun ang Mahal kong asawa.

Hindi ko alam kung bakit muli siyang binalik sa amin ni Haru. Pero sa oras na iyon tumalikod kaming mag-ina sa punong iyon at palayong naglakad. Tumulo ang aking luha habang papalayo sa puno. Alam ko na hindi pa alam ni Haru ang nangyayari, ngunit sa tamang oras o panahon sa sabihin ko sa kanya ang lahat. Na ang pagmamahalan namin ng kanyang ama ay abot langit.

answer
Answers: 2

Other questions on the subject: Business

image
Business, 21.06.2019 16:20, ghlin96
Kinkead inc. forecasts that its free cash flow in the coming year, i. e., at t = 1, will be −$10 million, but its fcf at t = 2 will be $20 million. after year 2, fcf is expected to grow at a constant rate of 4% forever. if the weighted average cost of capital is 14%, what is the firm's value of operations, in millions?
Answers: 2
image
Business, 21.06.2019 22:30, izzybellee20004
Before contacting the news or print media about your business, what must you come up with first ? a. a media expertb. a big budgetc. a track recordd. a story angle
Answers: 1
image
Business, 22.06.2019 10:00, chancegodwin5
In a small group, members have taken on the task roles of information giver, critic/analyzer, and recorder, and the maintenance roles of gatekeeper and follower. they need to fulfill one more role. which of the following would be most effective for their group dynamics? a dominator b coordinator c opinion seeker d harmonizer
Answers: 1
image
Business, 22.06.2019 11:00, saurav76
When using various forms of promotion to carry the promotion message, it is important that the recipients of the message interpret it in the same way. creating a unified promotional message, where potential customers perceive the same message, whether it is in a tv commercial, or on a billboard, or in a blog, is called
Answers: 2
Do you know the correct answer?
Bigyan ng sariling wakas ang kwentong ito Pag-ibig ko’y Hanggang Langit

Isinulat ni MJ

Questions in other subjects:

Konu
Biology, 11.06.2021 01:00
Konu
Mathematics, 11.06.2021 01:00